
No, it doesn't.
Habang nanonood kami ng tv, umakyat sa 2nd floor ang kapatid ko( yesss may 2nd and 3rd floor na kami, at ang taas na ng bahay namin, yung sahig ng 1st flr, kasingtaas nung inabot ng baha, kaya kung magkakabaha ulit na sobrang taas siguro hanggang tuhod na lang :D lol pinagmalaki pa e haha )
tapos tumugtog ulit siya nung piano. Araw araw tumutugtog siya, nagpapraktis, gusto daw nya gumaling sa pagpapiano. Tapos eto kami sa baba, nanonood pa rin ng tv, bigla akong tinanong ng nanay ko: "May hobby ka pa ba ? Ano na bang hobby mo?"
Napaisip ako, ano nga bang hobby ko?
Nung bata nga ako, mahilig ako magdrawing, magpainting, magsulat ng mga poem at story, magscrapbook, magvolleyball mag isa(pero kalaro ko yung pader), magbike, mangolekta ng kung anu ano, makipaglaro sa mga kapitbahay, at kung anu ano pa. Pero oo nga, ano na nga ba talagang hobby ko ?
Nung dumating ako ng highschool, ginagawa ko pa rin yung mga nasa taas (except sa pakikipaglaro sa mga kapitbahay), nadagdagan pa ng pagfFriendster, pagtetelebabad at paggala (pero sa tingin ko hindi talaga considered as a hobby yang mga yan) at natuto ako maggitara.
Nung college na ako, ano na nga ba ? Wala. Oo nga no ? Wala na. Kaya matapos mag isip ng matagal sabi ko na lang:
"Wala"
tapos dinugtungan ko,
Oo nga, hs pa lang siya at wala naman siya masyadong ginagawa. Eto ako, nasa kolehiyong demanding at hindi ka pwedeng maging tanga, gabundok na readings (photocopy ng iba't ibang libro para sa isang lesson), at mga lesson na kelangang intindihin. Hanggang ngayon d ko pa nababasa yung mga lesson noong last week. Pero sa totoo lang, medyo madami pa din naman ang oras ko, eto nga nakakapagbabad ako sa laptop para sa mga bagay na walang saysay e. Pero iba talaga pag hooked ka na, kahit alam mong nasasayang oras mo, go ka pa rin.
Iba naman ang sitwasyon ng nanay ko
"Ako nga rin e, wala nang hobby, 'di ko na natuloy yung pangarap kong gumawa ng mga scrapbook design"
(Bumili kasi ng sandamakmak na colored papers noon ang nanay ko, sabi niya gagawa daw siya ng mga scrapbook design (pamaypay, envelope, yung mga usual na nakikita mong embossed design sa scrapbook, mahal kasi yung mga yun, at in fairness, magaling gumawa nanay ko), at dati rin may scrapbook nga ako at yung mga prajek ko madami akong abubot na nilalagay, kaso binaha na kami't lahat lahat wala pa rin siyang nailagay sa album nya ng scrapbook designs. Sayang nga lang yung sandamakmak na colored paper. )
"Tapos 'di na rin ako nakapanahi ng mga kurtina, etc etc"
(Hilig ng nanay ko manahi, lola ko kasi hanapbuhay nya ang pananahi. Naalala ko, yung mga barbie dolls ko, pag sawa na ako sa damit nila , mananahi ng mini dresses yung nanay ko mula sa kung anu anong retaso. Yung dati naming sofa, tinahi din nya yung cover. Kaso binaha nga kami, yung makina nangalawang at nasira, binenta na lang ata sa junk shop)
"Wala na nga kasi akong time e."
(Arkitekto nanay ko, alam niyo naman na puyatan ang trabaho dun, at minsan lang magkafree time)
Ang hirap pala no. May kapalit din yung magandang paaralan o kahit yung magandang trabaho. Minsan naiiwanan mo na yung mga bagay na gustong gusto mong gawin. Kailangan mong isakripisyo yung mga hobby mo para sa "magandang future" na hindi mo na man sigurado kung magiging maganda nga. Sabagay, mas gugustuhin ko namang maging doktor na busy sa trabaho (pero may kinikita namang maganda), kaysa maging tambay na drawing ng drawing, scrapbook ng scrapbook, sulat ng sulat ng kung anu ano na hindi naman papansinin ng iba kasi pag wala kang magandang titulo o pinag-aralan, kadalasan wala ka namang ibabatbat, at mamaliitin ka lang. Ewan ko lang a, yun lang pansin ko.
Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko, uunahin ko na lang tong readings at reviewers kesa sa mga bagay na gusto kong gawin. (Alam niyo ba pangarap kong matutong magbake ng cake, cookies, at cupcakes tralalalala) Pero wala naman kasi talagang masyadong time e. Madami pa kong obligasyon, kailangan ko pang pumasa sa Math 53 ko ngayon, (alam niyo ba 3 lang ako sa Math17 ko, pinaghirapan ko yan, hahaha, 'di naman kasi ako magaling sa math. Nung high school medyo madali lang ang math para sakin kasi mabagal ang pacing ng turo, e ngayon compressed na ata, at wala akong masyadong background sa ibang lessons kasi hindi naman advanced ang high school ko. Saka sabi naman talaga ng marami mahirap ang math sa UP e. lol daming paliwanag no, basta math makes me feel stupid pwaha)
Kailan ko pa kaya magagawa yung mga totoong "hobby" ko noon kung lagi ko na lang papangunahan ng pagiinternet yon, no ?
Ikaw, may hobby ka pa ba ?


0 comments:
Post a Comment