Monday, November 1, 2010

Walang sense po.


Ako si Celine. 17 na po ako nung 10.10.10 (odiba ganda ng 17th birthday ko :P).

Mahilig po ako magdrawing noon, huli kong hinawakan ang lapis kong pangdrawing nung summer ng 2010- pagkatapos kong grumadweyt ng hayskul. Ang huling drawing ko talaga (as in drawing na matino) ay 'yung entry ko sa Philippine Dental Assoc. poster making contest.

Mahilig ako maggitara noon, kaso tumigil ako kasi sabi ko "busy na ako" at nakakatamad na.

Parati akong gumagawa ng mga tula at maiikling storya noon, ang huling
tulang naisulat ko ay noong 1st year high school.

24/7 kami nagpapatintero ng mga kaibigan ko sa kalsada, nung elementary ako.
Mayroon din akong scrapbook na pinagbubuhusan ko ng oras tuwing bakasyon, tinapon ko na ito at d na gumawa ng bago matapos ng bagyong Ondoy.

Kapag may okasyon (bday,pasko,etc), asahan mo may card ako na kung anu ano ang nakalagay, kada taon may bago akong "gimmick" sa paggawa design (minsan pa-puzzle, minsan baligtad lahat, minsan kailangan madilim ang kapaligiran, minsan dapat ka munang ngumiti bago buksan ang envelope), compiled yun sa isang envelope (mula noong natuto akong magdrawing) kaso binaha din. So naagos na siguro sa ilog o kung saan. Di na ulit ako gumawa. Bumibili na lang ako ng cake pag may okasyon.

Mayroon din akong sketch pad na araw araw kong pinupuno ng drawing ang bawat page, noong elementary din ako, pagkatapos ng bagyo, nakabili naman ako ng bago, blangko na nga lang ang mga pahina hanggang ngayon.

Oo, napaka"lame" at corny ko noon kasi masipag talaga ako, gusto lagi nasa honors,
lagi kasama sa ganitong club, ganito ganyan, kailangan president sa ganito ganyan.

----

Ngayon ang pinagkakaabalahan ko ay Facebook, YM, at Tumblr.

Araw araw (pag walang pasok),
gigising ako ng tanghali, kakain ng tanghalian, maliligo, at magbababad na sa laptop
hanggang madaling araw. Kapag may pasok, syempre papasok ako, dadaldal sa kung sinu sino, lamon dito lamon doon, tawa lang diyan
ng tawa, yaya ng yaya ng gala, tambay o kung ano pa. Gusto lahat "enjoy".

Naisip ko lang, mas makulay pala ang buhay ko noon kaysa ngayon, hindi naman sa wala talagang kwenta buhay ko ngayon-
maayos naman ang lahat kasi lab na lab ako ng mga kaibigan ko, ni ano, ng pamilya ko, maganda ang napasukan kong university, may bago na kaming bahay, kumpleto
naman ang gamit.
Hindi naman ako sumuko dahil lang sa bahang lumamon sa bahay, duh. Part of growing up ba ? hehe.
Siguro tinamad na lang talaga ako. Kaya eto ngayon,
nagbblog ako, kasi ayoko pang matulog. Pero anong konek diba ? Wala lang, naisip ko lang, ba't kaya ako nagkaganito ? O.o Parang gusto ko sabihin sa 17-year-old-self (if ever kelangan nga ng - ng mga salitang yan) ko "Oh anong nangyari sayo ? Ang ayos mo naman dati a ?". Diba ?

Minsan naiinis na talaga ako at gusto ko sumigaw ng "Hasty Generalization!!!" (natutunan ko sa Philo1) kapag
sinasabi ng mga nakatatanda na "Yang mga kabataan ngayon puro na lang ganito ganyan","Kabataan talaga ngayon puro walang kapararakan
ang ginagawa", "Lahat na lang ng teenager ngayon na nagboboypren nabubuntis agad!", "Mga kabataan ngayon wala nang
alam kundi magcomputer", o kahit sa misa favorite topic ang kabataan , "Ang mga kabataan nga natin ay wala nang respeto sa mga
nakatatanda, hilig nila'y puro mga materyal na bagay, mga di na marunong sumunod yang mga yan, etc etc".
Hindi naman lahat diba ? Pero sa tingin ko, tama naman sila sa ilan sa mga sinabi nila. Di kolang talaga matanggap minsan. Syempre masakit din sakin kasi isipin mo may bisita kayo tapos nagkkwentuhan silang matatanda tungkol sa mga kapalpakan ng mga kabataan ngayon, tapos nandun lang ako, nakikinig, na parang gusto ko sabihin "Excuse me po, andito po kasi ako e, gusto niyo na po ba akong umalis muna bago kayo tumuloy sa pag-uusap tungkol sa kabataan?" lol. Pero minsan gusto ko lang kumontra na, "Uy teka, nag-aaral naman ako a, hindi niyo ba alam na nagsisikap ako kasi gusto ko pag nagkatrabaho na ako, magpapahinga na lang kayo at mag-eenjoy, kasi may concern ako sa mga magulang ko. Hindi naman ako nag-aaral para may pangparty o pangyosi o pang inom o pangdrugs ako pag nagkatrabaho na ako e. " Wala lang, minsan ang hirap lang din sabihin kung ano talaga nararamdaman mo.

Pede ko bang sabihin na kasalanan din nila 'yun ? Kasi nag-imbento 'yung mga kabatch (kaedad) nila ng mga nakakaaliw na gadgets, o marami sa
mga kabatch nila ay nagexpose ng mga palabas na magiging masamang impluwensya (Refer to How to Make Kids Killers .lol.), kasi naghire sila
ng mga katulong kaya d na nasubaybayan ng maayos ang paglaki, kasi wala silang panahon sa mga anak nila, kasi bagsak na nga ang ekonomiya
ng bansa, kasi mahal na ang mga bilihin, kasi mahirap na ang buhay, kasi ganito ganyan. Parang hindi rin pede yun. Edi nagsisihan
lang tayo, no ?


Actually, ang balak ko lang sana ay baguhin ang malandi kong "About Me" dito sa blogger, at ayun, natype ko na
nga yung mga unang parte ng post na to, kaso ang haba talaga ng mga pinaglalagay ko at ang drama, naisip kong gawin ko na lang post
kahit walang sense, oo wala naman talagang sense lahat ng post ko sa blog na ito (sige tignan mo pa mula sa una), kaya siguro
"STEAL MY WORDS" kasi nga "Sige, steal my words, wala namang sense e." Ohhh so ayan na pala ang meaning behind my blog's title. Ngayon ko lang naisip.
Ang galing.

To conclude, eto na ang bago kong "About me" dito sa Blogger:


Celine. Filipino. 17










^ Pede na ? :D

0 comments: